Update cagayan valley for CONVI19



CORONAVIRUS, Posibleng hindi kumalat sa mga maiinit na lugar gaya ng Cagayan



TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN - Ayon sa artikulo ng dallasnews.com posible umanong hindi kumalat ang virus lalong-lalo na sa mga maiinit na lugar gaya na lamang dito sa Cagayan.

Ang covid-19 o coronavirus ay isang sakit na nakakahawa at maaring ikamatay ng sinumang magkakaroon nito.

Nagmula umano sa Wuhan, China ang sinasabing sakit na posibleng galing sa kinakaing paniki at ahas, halos 3,000 katao na ang namatay at 100,000 katao naman sa buong mundo ang nagpositibo sa naturang sakit.

Sa mga lugar na malalamig gaya nalang sa Wuhan ay posibleng mabilis ang pagkalat ng naturang virus na ang madalas na biktima ay ang mga bata, matatanda at mga may sakit.

Ang virus o nakakahawang sakit gaya ng sipon ay mabilis kumalat kapag malamig ang panahon tuwing buwan ng October - November at peak season nito December - February.

Ayon sa mga dalubhasa nakakatulong umano ang mainit na panahon para mapigilan ang pagkalat ng virus ngunit ang ilan ay hindi kumbinsido kung ang sakit nga ba ay apektado base sa temperatura.

Marami pa umanong hindi natutuklasan sa naturang virus at mahirap itong malaman kung mamamatay ba ang sakit sa mga lugar na mataas ang temperatura.

Para makaiwas sa naturang sakit ay ugaliing malinis ang kamay magsabon at gumamit ng alkohol, iwasan ang matataong lugar at iwasan din ang madalas na paghawak ng mukha gaya na lamang sa ilong at bunganga.

Sa ngayon ay wala pag kumpirmadong nagpositibo sa naturang sakit dito sa ating lugar.

Maging alerto at sundin ang payo ng Department of Health para makaiwas sa naturang virus. 

Comments

Popular posts from this blog